2021-05-07 Ayun na nga

Cotton candy o shingaling.jpeg

Ayun na nga...hindi maganda ang ilaw ng araw sa dapithapon, natatakpan ng mga gusaling hindi naman naglalakihan pero lumalamon ng liwanag, nadatnan ko siyang bumibili, shingaling ba o cotton candy, cotton candy ata, o pareho, bakit hindi natin hayaang maging bata siya uli, tumatawad pa ata, ano ang sinasabi niya sa tinderong may magandang sombrero, sa maliit na tindahan niyang may bombilya, hanggang gabi ba siya magtitinda, at sa likod, nakatigil ang dalawang sasakyan, isang sasakyang may dalang mga gulay, at isang kotse ng kumpanya, mga papuntang Maynila, sa tabi nila nakaantabay ang botchog na pulis, balot na balot ang mukha, busog na busog, armado, walang dumaraang papuntang Santa Cruz, libre ang tricycle na umarangkada, go lang ng go...pero ayun na nga.