Adapter
Naubos ang baterya
ng cellphone ko
sa
kaka-Youtube, kaka-Facebook, kaka-Zoom.
Mabilis na umitim ang
screen niya
parang kuwarto ng mga paslit
kapag pinatutulog na sila ng nanay nila.
Tumayo ako sa
pagkakahiga at naglakad patungo sa
kahon na pinag-parkingan ko
ng mga
kable, carger, external hard drive, atbp.
Nakita ko ang kable pero naalala kong
sira na pala ang adapter at kailangan
ko ng bumili ng kapalit
7 days ang delivery sa Lazada
doble naman nun sa Shopee.
Paano na ang social life ko?
ang mga groups?
ang mga kaibigan?
ang mga jowa?
este ang jowa pala?
Walang bagay na kailangang-kailangan
ko ngayon.
Asan ang abundance sa phenomenong ito?
Nung akmang mumurahin ko na
ang lahat ng mga nagkakautang sa akin,
napalingon ako sa mapanghalinang bunganga ng
usb port sa laptop ko
medyo kinakalawang na ngunit
naguumapaw sa paanyayang gamitin ko siya.
Narinig ko siyang bumulong, “Tara na. Ipasok mo na.”
At hindi ako nag-atubiling tumugon sa imbitasyon niya.
Isinuksok ko ang kable sa iphone at ipinasok ang dulo nito sa usb port.
Lumabas ang kidlat symbol sa screen ng iphone ko
at sinundan ng buntong-hininga kong malalim,
“Hay, pagpapala!”