Ang Ginhawa

Ay hindi nakikita
Hindi naririnig
Hindi naamoy

Ang ginhawa
Ay nararamdaman
Hindi ng balat
Kundi nung bagay
Na mas malalim pa
Sa balat

Ang ginhawa
Ay mga paru-paro
At gamu-gamo
Na nasa kaibuturan
Ng aking hiraya

(Isinulat habang nakatitig sa bukid, isang hapon ng Hunyo sa Santa Maria, San Jacinto, Pangasinan)