Ang Pakikipagsapalaran ni Prinsesa Maria Harot (AKA Ma. Harot)

Noong unang panahon may isang prinsesa ng mga diwata na nakatira sa paanan ng Bundok Makiling.

pexels-alice-alinari-3257307.jpg

Ang harot-harot ng diwatang ito.

pexels-tú-nguyễn-1545590.jpg

Pinaglalaruan niya ang mga insektong tinatawag na Yijing Butterflies. At kapag nagugutom siya…

pexels-isabella-mariana-1988681.jpg

Kinakain niya ang mga ito!!!

Dahil dito, nagalit ang diwata ng kadiliman na siyang lumikha sa mga Yijing Butterflies: si Kaluka Lukaka.

pexels-jj-jordan-3125846.jpg

Sinumpa ni Kaluka Lukaka ang prinsesa na sa araw ng kaniyang ika-tatlumpong kaarawan ay mawawalan ito ng bait at makakalimutan niya kung sino talaga siya.

pexels-tú-nguyễn-1545589.jpg

Dumating nga ang ika-tatlumpong kaarawan ng prinsesa. Tulad ng dati nitong nakaugalian, pumunta siya muli sa kakahuyan upang maghanap ng mga Yijing Butterflies na paglalaruan at kakainin niya. Bilang patibong sa mga paru-paro, naglagay siya ng nektar sa loob ng isang maliit na hawla na siya namang naamoy ng mga ito. Hindi sila magkandarapa sa pagpasok sa hawla.

Pumitas din ang prinsesa ng mababangong bulaklak na paboritong dapuan ng mga paru-paro. Subalit, pagkapitas niya sa mga bulaklak, bigla nalang siyang nanlamig, nanigas, at naghubad ng kaniyang suot.

Buti nalang nakabathing suit siya sa loob.

pexels-roy-reyna-3118541.jpg

At nagkatotoo na nga ang sumpa ni Kaluka Lukaka. Ang prinsesa ng mga diwata ay nawalan ng bait at nagka-amnesia.

Kung binabasa mo ito ngayon, kailangan mong malaman na...

Ikaw ang prinsesa ng mga diwata. Hindi mo ito maaalala kaya sinasabi ko na ito sayo ngayon.

Tinatakpan ko ang dalawa kong mga mata habang kinakausap kita para hindi ako matempt sa bathing suit mo…pero…

Makinig ka.

May pag-asa pang bumalik ang ala-ala at katinuan mo kung gagawin mo ang mga bagay na sasabihin ko sayo sa loob ng pitong araw mula sa araw na ito.

Kinakailangan mong magawa ang bawat isa.

By the way…

Ako nga pala si Hermit. Isang propesyonal na hermitanyo. Nagtapos ako ng BA in Maligamgam na Tubig sa Unibersidad ng Kapetayo. Itinuloy ko ang aking pag-aaral sa Polytechnic University of Magic Mushrooms kung saan nanalo ako ng best thesis sa kursong MA in Puting Tawas. Naging Scholar ako ng mga engkanto kaya nakapag-PhD abroad sa London kung saan ako natuto ng Sorcery sa Hogwarts.

Pero hindi ko na kailangan pang i-prove na kailangang-kailangang mo ako ngayon.

Kailangan mong inumin o kainin ang mga bagay na ililista ko sa baba upang manumbalik ang iyong katinuan.

May ilang bagay na kailangan ka ring gawin upang maalala mo naman kung sino ka talaga.

Pag natapos mo ang lahat ng ito, ibibigay ko sayo ang mahiwagang link na babago sayong buhay. Ito ang magpapanumbalik sayong ala-ala at magpapaalala kung sino ka talaga.

Handa ka na ba?

Go!

Ang Mga Quests

Pampaalis ito ng kabaliwang dulot ng sumpa. Ipapaalala nito sayo na masaya ang buhay.

Upang maging kaibigan mo ang mga masasamang espiritu, kailangan mong patunayang hindi ka takot sa kanila. Pwede mong takpan ang mga tenga mo. Pero bawal pumikit habang nanunuod.

Hanapin mo ang mahiwagang tsaa sa Grove. May kamahalan ito. Maghanap ka ng isang taong manlilibre sayo. Required na siya ang pinaka-poging nilalang sa balat ng lupa (clue: hermitanyo siya). Bawal na ikaw ang gagastos para dito.

Hanapin ang tumigas na luha ng tikbalang na tinatawag ring “Pistacio Ice Cream”. Mahirap hanapin ito. Subalit sabi ng mga mangangaso ay huli itong natagpuan sa kaharian ng Chelsea sa paanan ng Makiling. Pagkatapos itong kainin ay kailangan mong sumigaw ng “Darna!”

Pagkakataon mo na itong humingi ng tawad sa mga Yijing Butterflies na kinain mo. Oras na rin ito para makilala mo ang Reyna ng mga Pusha na magbibigay sayo ng mahiwang kagamitan na gagamitin mo sa susunod na quest.

Wala kang ititirang dumi sa iyong katawan. Lahat ng palatandaan ng sumpa ng diwata ng kadiliman ay kailangang mabura. Sa ibibigay sayo ng Reyna ng mga Pusha, siguradong mapadadalisay muli ang iyong pagkatao. Gawin itong araw-araw na habit…kung hindi ka araw-araw naliligo.

Magselfie pagkatapos maligo bilang prueba na nalinisan ka na.

Kapag nagawa mo na lahat ng Quests na ito, ibibigay ko sa iyo ang Mahiwagang Link.

Dali! Bago mahuli ang lahat! Bawat segundo ay mahalaga upang hindi maging habambuhay ay sumpa!