Ang Yin at Yang ng Kaalaman
Magandang gamitin ang Yin and Yang na simbolo ng dalawang uri ng kaalaman.
Sabihin nating, ang itim ay sumisimbolo sa unang uri ng kaalaman - ang kaalamang nakukuha mula sa pagiisip. At sabihin nating, ang puti naman ay sumasagisag sa pangalawang uri ng kaalaman - ang kaalamang nanggagaling sa karanasan.
Ang dalawang uri ng kaalamang ito ay naiiba sa maraming paraan. Subalit babanggit lamang ako ng isang dahilan kung bakit kailangan silang paghiwalayin upang maintindihan.
Ang unang uri ng kaalaman ay nakukuha sa pamamagitan ng paghahabi ng mga umiiral na bagay, at ang konsepto na nalilikha sa ating isipan kapag ating iniisip ang mga ito. Maaring isama ang wika bilang pangatlong elemento na bumubuo sa uri ng kaalamang ito dahil nakakatulong ang mga salita upang maintindihan ang konsepto at maitawid ito sa iba.
Ang pangalawang uri ng kaalaman ay nanggagaling sa karanasan at ang pinagkaiba nito sa naunang uri ng kaalaman ay hindi lahat nito ay naitatawid ng klaro.