Ano ang Tagumpay?

Ang tumawa ng mas madalas at labis;

Ang makuha ang respeto ng marurunong
at ang pagmamahal ng mga bata;

Ang hangaan ng matapat na mga kritiko
at mabata ang pagtataksil ng mga huwad na kaibigan;

Ang ipagdiwang ang kagandahan;
Ang makita ang mabuti sa iba;

Ang lisanin ang mundong mas mabuti kahit kaunti;
dahil sa isang malusog na bata, o isang piraso ng hardin, o isang lipunang napalaya;

Ang malaman na may kahit isang buhay na nakahinga
ng mas maluwag dahil nabuhay ka.

Ito ang tagumpay.


Salin ko ng tula ni Ralph Waldo Emerson na "What is Success?"