Anong Klaseng Buhay

Anong klaseng buhay ang tingin nating prinoprotektahan natin?
Ang buhay ay hindi lamang tungkol sa pag-iwas sa kamatayan.
Ang buhay ay inuman kasama ng mga kaibigan.
Ang buhay ay pagsigaw sa gitna ng isang siksikang laro o konsyerto.
Ang buhay ay isang pagdiriwang kasama ng mga anak at apo.
Ang buhay ay pagsasamasama,
isang braso sa ibabaw ng balikat,
tawanan o iyakan
na pinagsasaluhan ng dalawang taong
kulang ng dalawang metro ang layo sa isa't-isa.

Ang mga ito ay hindi opsyonal na kalabisan.
Sila ay ang buhay mismo.
Batayan sila ng ating pagkatao,
ng ating pag-iral
bilang mga nilalang na nakikipagkapwa.

Oo,
permanente ang kamatayan
habang ang kaligayahan ay maaring
pansamantalang ihinto.

Subalit
ang bisa ng pananaw na iyan
ay nakadepende sa kung gaano talaga ito
pansamantala.


Mga salita ni Jonathan Sumption na isinali at isinatula ko.