Bakit Mo Iniiyakan
Ang mga batang namatay sa gitnang silangan?
Bakit nais mong malaman
kung ilan na silang namaalam?
Bakit hinihingi mo ang impormasyon
sa kung paano sila nabuwal?
Nguni't ni minsan
Di mo naisip
Kung ilang batang langgam na ang iyong
naapakan
sa ilang taong paglalakad mo
sa ibabaw ng mundo?