Di Pa
Nakasuot ang maliit na sumbrero
Pabaliktad
Puting pajama
At t-shirt
Nakaupo
Sa balkonahe
Sa ibabaw ng makikisig pang
Mga binti
Ni Papa
Hindi pa naisisilang
Ang mga batang manunukso sakin
Ng "taba!"
Tuwing ako'y
Magbibisekleta
Sa kabukiran
Minamahal palang
Ng kaniyang mga magulang
Ang klasmeyt kong
Aking ibubully
Sa Grade 1
Natututo palang
Maglaro
Ng ari
Ang babaeng
Iibigin ko
Hinahampas palang
Ng walis tambo
Mula sa mga kamay
Ng kaniyang tiyahin
Ang bungisngis kong kaibigan
Sa Batangas
Tinuturuan pa lamang
Ng Matematika
At Siyensiya
Ang Taong Grasang
Umiikot
Saming bahay-bahay
Dahil bata pa lamang ako
Noon
At lahat ng nangyari
Ay hindi pa nangyayari
Lahat ng di inakala
Ay dipa aakalain
Tulad ng balang
Hindi pa iniiwan ang baril
Tulad ng kidlat
Na inaantay ang kulog