Galimgim

Sa bungad
ng bintanang nagdadala
sa mga alikabok
sa kanilang huling hantungan,
sinasayawan
ng kortinang kahel
ang sisidlang pinakikislap
ng silahis—
kislap na humahalik
sa pintuan ng aking mga matang
nagtatanong
kung kailan ba kita huling narinig
na bumatingting,
nagpakanta
sa sisidlang ito.