hilum awa workshop 1

Intro

Pakilanlanan

Ipakikilala ko ang isang paraan ng pagsusulat magkakasama.

Ang paraan na ito naka-angkla sa mga paniniwala na:

  1. Ang bawat isa sa atin, anuman ang ating pinanggalingan, ay may makapangyarihan at natatanging boses na maaring gamitin sa pagsusulat.
  2. Maaari nating pahusaying ang ating pagsusulat nang hindi sinisira ang natatanging boses ng bawat isa.

Ano ang gagawin natin ngayon?

  1. Magbibigay ako ng writing exercise.
  2. Magsusulat tayo lahat (kasama ako) sa loob ng 10 minuto.
  3. Magkakaroon tayo ng bahaginan ng mga naisulat at pagtugon sa mga ibinahagi.

Para maprotektahan ang boses ng bawat isa at para mas maging malaya ang bawat isa na magsulat at magbahagi, may susundin tayong mga kasanayan.

Mga practices/kasanayan para sa mga magbabahagi:

  1. Boluntaryo lamang ang pagbabahagi.
  2. Ibahagi lamang kung ano ang naisulat sa 10 mins. na lumipas.

Mga practices/kasanayan para sa mga tutugon:

  1. Ibahagi lamang (1) kung ano ang nagustuhan sa akda at (2) kung ano ang mga imahe o salita ang nanatili sa atin habang pinakikinggan ang akda.
  2. Hindi tayo magkikritik ngayon. Wala tayong sasabihin tungkol sa kailangang baguhin o iimprove ng mga akda.
  3. Ang lahat ng babasahing akda ay pananatilihing confidential.
  4. Lahat ng akda ay ituturing nating fiction liban kung sabihin ng sumulat na autobiographical ito.
    • Hindi tayo mag-aassume na ang alin man sa karakter sa mga akda ay ang sumulat mismo.
    • Maaaring gamitin ang "ikaw" o ang pangalan ng sumulat kapag pinupuri ang pagkakasulat.
    • Pero gamitin ang "narrator," "bata," "lalaki," o "babae" etc. kapag tinutukoy ang mga karakter.

Writing Exercise #1: Mga Bagay

Mga paalala:

(Pagsusulat: 10 mins.)

(Wrap-up: 2 mins.)

Bahaginan

Mga practices/kasanayan para sa mga magbabahagi:

  1. Boluntaryo lamang ang pagbabahagi.
  2. Ibahagi lamang kung ano ang naisulat sa 10 mins. na lumipas.

Mga practices/kasanayan para sa mga tutugon:

  1. Ibahagi lamang (1) kung ano ang nagustuhan sa akda at (2) kung ano ang mga imahe o salita ang nanatili sa atin habang pinakikinggan ang akda.

Mga maaaring punain:

  1. Hindi tayo magkikritik ngayon. Wala tayong sasabihin tungkol sa kailangang baguhin o iimprove ng mga akda.
  2. Ang lahat ng babasahing akda ay pananatilihing confidential.
  3. Lahat ng akda ay ituturing nating fiction liban kung sabihin ng sumulat na autobiographical ito.
    • Hindi tayo mag-aassume na ang alin man sa karakter sa mga akda ay ang sumulat mismo.
    • Maaaring gamitin ang "ikaw" o ang pangalan ng sumulat kapag pinupuri ang pagkakasulat.
    • Pero gamitin ang "narrator," "bata," "lalaki," o "babae" etc. kapag tinutukoy ang mga karakter.

(Bahaginan)

Other Exercises

Writing Exercise #2: Ang Mahalaga

Prompt: Ano ang mahalaga sa'yo ngayon sa minutong it?

Isulat lang kung ano ang dumating gaano man kaliit at kawalang kabuluhan.

Pwede mong tuklasin kung bakit yun ang dumating sa pamamagitan ng pagsusulat tungkol dito.

Writing Exercise #3: Sa Isang Ito

Alalahanin ang isang litrato o mental snapshot ng isang taong mahalaga sa'yo. Maaaring malapit pa rin sa'yo o wala na sa buhay mo.

Piliin ang pinaka-unang dumating sa'yo lalo na kung tingin mo may buhol doon.

Simulan ang isusulat sa mga salitang ito: "Sa isang ito, ikaw ay..."

Ituloy ang sinusulat sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa tao sa litrato.

Variation

Alalahanin ang snapshot o litrato mo at isulat kung anuman ang dumating sa'yo. Maaari ring sulatan ang sarili mo sa edad na iyon.