Kapag Kumanta ang Puso
Manahimik ka
Umupo ka sa isang sulok
Kamay sa ibabaw ng kamay
Makinig ka lang
Mamangha
Sa kaya niyang sabihin
Sa kaya niyang likhain
Sa kaya niyang ibulong
Sa kaibituran ng yung kaluluwa
Luha
Lihim
Langit
At ngiti
Ang puso
Na sabik sa galak
At ligaya
Ay lumilikha ng himig
Na hehele
Sa pagod mong haraya
Sa ligalig mong damdamin
Sa paos mong tinig
Pagkat
Ang pusong umiibig
Ay kakanta
At kakanta muli
Hanggang maubos na
Ang lahat ng awit
Na siya rin ang kumatha