Kay Rem
Palabiro ang gabi
Nagsusumba sila
Sa saliw ng
I will be here
Naglakad ako papunta
Sa konkretong bangkong
Inupuan nating dalawa
Habang pinagmamasdan ang
Mabituwing langit
Ngunit
May ilang kabataang
Nakaupo na
Humahalakhak
Tulad ng mga tawa mong
Umaalingawngaw mula
Sa bungisngis mong bibig