Leaves of Morning
Mga Dahon ng Umaga
Pagsisindi ng dupa
Pagninilay
Pagbabasa ng "Mga Simulain ko sa Pamumuhay"
- Nagtitiwala/Nananampalataya ako sa aking sarili. Malay ako sa aking kasarinlan, pagkamalikhain, at pakikipagkapwa, at nararamdaman ko ang saysay ng mabuhay sa pamamagitan nila. Ang kasarinlan, pagkamalikhain, at pakikipagkapwa ay maaari ring ipahayag bilang pagkatao, kabanalan, at kalikasang Buddha.
- Nagtitiwala/Nananampalataya ako sa iba. Ang iba ay ang aking kapwa na nagtataglay ng kanilang sarili bilang iba. Kapag naniniwala ko sa aking sarili, walang salang nagtitiwala/nananampalataya ako sa iba.
- Nagtitiwala/Nananampalataya ako sa isang nagtutulungang pamayanan. Ang sarili at ang iba ay hindi umiiral ng hiwalay o kayang buhayin ang sarili; sa halip, walang salang umaasa sila sa isa't-isa, nagkakaisa, at nagtatatag ng isang nagtutulungang pamayanan.
- Nagtitiwala/Nananampalataya ako sa trinidad ng sarili, iba, at nagtutulungang pamayanan. Ang sarili, ang iba, at ang nagtutulungang pamayanan, bagaman may kani-kaniyang natatanging pagkakakilanlan, ay nagkakaisa. Samakatwid, wala ni isa sa kanila ang higit o mas una kaysa sa iba; ang bawat isa ay laging ipinapalagay na kasama ang dalawa pa.
- Nagtitiwala/Nananampalataya ako sa pangsansinukubang nagtutulungang pamayanan. Ang trinidad ng sarili, iba, at nagtutulungang pamayanan ay nakikiisa sa langit at lupa at sa lahat ng bagay, upang bumuo ng isang pangsansinukubang nagtutulungang pamayanan.
- Nagtitiwala/Nananampalataya ako sa bukluran. Ang bukluran ay ang mikrokosmo ng pangsansinukubang nagtutulungang pamayanan. Nagiging ganap lamang ako kapag naging kasapi ako ng bukluran.
Pagbabalik sa mga nangyari kahapon
Pagsusulat ng 5-minute journal
Pagbabalik sa huling naisulat sa talaarawan
Pagbabasa ng "Panalangin Bago Mag-aral"
Ilaw,
Patahimikin mo ang aking isipan,
buksan mo ang aking puso.
Tulungan mo akong lapitan ang mga salitang ito—
hindi upang ma,
kundi upang magbago.
Tulungan mo akong magbasa,
hindi lamang gamit ang katwiran,
kundi ng may pamimintuho.
Nawa'y dumating ang kabatiran
hindi lamang sa kaisipan
kundi sa katahimikan,
larawan,
at pagkamangha.
Akayin mo ako lampas
sa rabaw ng mga salita
patungo sa kanilang hiwaga.
Nawa'y ang matutunan ko rito ay
magpalalim ng aking hambal,
magbigay-lanaw sa aking landas,
at magbalik sa akin sa kabuuan ng lahat ng bagay.
Nilay-basa
Pangwakas
Nawa'y anumang bunga ng pag-aaral na ito ay maging kabutihan para sa lahat ng umiiral.