Limang paninindigan at mahahalagang kasanayan ng AWA
Limang Paninindigan ng AWA
- Bawa't isa ay may malakas at natatanging boses.
- Bawa't isa ay ipinanganak na may likas na pagkamalikhain.
- Ang pagsusulat bilang anyo ng sining ay pagmamay-ari ng lahat ng tao, anuman ang kanilang kalagayan sa buhay o natapos sa pag-aaral.
- Ang pagtuturo ng kasanayan ay magagawa nang hindi nasisira ang orihinal na boses ng manunulat o ang kaniyang tiwala sa sariling pagkamalikhain.
- Ang manunulat ay sinumang nagsusulat.
Anim na Mahahalagang Kasanayan ng AWA
- Pinananatili naming walang herarkiya ang pagsusulat. Ang tagapagpadaloy ay hindi ang dalubhasa at walang sulatin ninuman ang itinuturing na mas mahalaga o hindi gaanong mahalaga kaysa sa iba.
- Ang pagiging kumpidensiyal ng anumang naisulat sa palihan ay pinananatili anumang oras, at ang privacy ng manunulat ay pinangangalagaan. Pinananatili namin ang pagiging kumpidensiyal ng mga sulatin sa pamamagitan ng pagtrato sa mga ito bilang katha (fiction). Ang tugon ay iniaalok sa sulatin, hindi sa buhay ng taong nagsulat. Hindi namin ikinikuwento ang anumang sulating narinig namin sa grupo sa kanino mang nasa labas ng palihan.
- Sa isang AWA workshop, hinihingi sa aming makinig kaiba sa kadalasan naming ginagawa sa aming mga buhay. Hindi kami hinihingang makinig upang tumulong o ayusino makisimpatiya sa manunulat. Hindi kami hinihihingang makinig upang idagdag ang aming kwento. Hinihingan kaming pumasok sa uniberso na nilikha ng manunulat. Hinihingi sa aming iwanan ang sarili naming mga karanasan at inaasahan. Hinihingi sa aming pakinggan kung paano sinasabi ang kwento o tula. Sa isang AWA workshop, pinakikinggan at binibigyang pansin namin kung ano ang gumagana. Pinakikinggan at binibigyang pansin namin ang pagpapasyang ginawa ng manunulat na nakatulong upang magtagumpay ang sulatin.
- Walang pagpuna, mungkahi, o tanong ang ibibigay sa manunulat bilang tugon sa unang borador o kagagawa lang na sulatin. Ang isang masusing pagpuna ay ibinibigay lamang kapag ang manunulat ay humingi nito, at kapag ipinamahagi na niya ang sulatin sa anyong manuskrito. Kapag ini-alok na ang sulatin bilang manuskrito, balanse ang pagpuna rito; magkasing-rami ang mga pagsang-ayon rito at ang mga mungkahi para sa pagbabago.
- Siniseryoso ang pagtuturo ng kasanayan at isinasagawa ito sa pamamagitan ng mga pagsasanay na nagpapaanyaya ng pageeksperimento at pagsulong.
- Ang pasimuno ay nagsusulat kasama ng mga kalahok, at nagbabasa rin ng sulatin. Ang kasanayang it ay lubos na kailangan, dahil sa paraang ito lamang nagkakaroon ng pagkakapantay-pantay sa pagtaya at tiwala sa isa't-isa.