Mga Pinagdaraanan Naming Mga Paa

Hindi siya mahilig magsapatos at lalong hindi mahilig magmedyas, kaya naman katad lang ang madalas sumasalo sa amin tuwing lumalabas kami. Ang kagandahan ng sisteng ito, presko at nakahihinga kami ng maluwag ni utol. Yun lang 'pag tag-init, sobrang init. Mabilis kaming mangitim. Kapag tag-ulan naman, diyos ko, putik kaagad kami 'pag tinopak siya't umakyat ng bundok sa gitna ng ulan. Mas okay nga actually 'yon eh dahil putik lang. At least alam naming natural and earthy. Kaso dumaraan kasi siya minsan sa Arayat, sa may Poverty Lane. They don't call it Poverty Lane for nothing. Hindi putik ang tumatalsik sa'min do'n kundi tubig na pinampaligo ng libaging mama o pinaghugasan ng kalsadang nilinisan ni ale for dog poop and what not. Every time dumaraan kami doon, duming-dumi kami sa sarili namin. Buti nga sana eh kung agad-agad kamin nalilinisan pagdating sa bahay. Eh kung tinamad 'tong si ulol, eh 'di after a few hours na matatanggal 'tong yellow sticky thingy na pumahid sa nagpapaibabaw na berde kong ugat. Right now, nasa video call siya. Usually, two to three hours 'yan kaya heto kami—waiting for Godot ang peg.


Sinulat sa Nilay noong 2025-12-14.