Palaisipan Ang Pagibig
Tulad ng paglubog ng araw sa kanluran
Tulad ng bukang-liwayway sa silangan
Tulad ng huni ng mga ibong nagaawitan
Pag-ibig ay palaisipan
Tulad ng mga kulisap sa lilim ng puno
Tulad ng mga palay at kanilang anino
Tulad ng mga ulap sa may malayo
Pagibig ay misteryoso