Para sa Aking Ika-28

Naupo ako sa tabi ng bintana.
Tiniklop ko ang kurtina at isiningit sa hawakan
Na nasa likod ng upuang nasa harapan ko.
Tinakpan ng kurtina ang aircon na bumubuga
Ng napakalamig na hanging nanggagaling
Sa napakalamig nang labas kung saan
Bilog na bilog ang buwang
Sumisilip-silip sa likod ng makakapal na ulap
Bumabati ng buong liwanag
Paminsan-minsan
Parang puyat na pinipilit magising dahil
Batid niyang
Bukod sa

Tugtog
Limguhit
Ninuno
Psst!
At Usisa

Siya lamang
Ang makapagliligtas sakin
Mula sa nakahihilo't nakauumay
Na biyaheng ito.