Perya sa Binmalëy
Tumaya kami ng
bente sa pula
bente sa puti
bente sa dilaw.
At pinanood namin ang
mga bata, lalake, babae
na naglapag ng sangdaan,
sanglibo, limang daan.
Karakaraka, pinalo ng humihikab
na matanda ang mesa
mitya ng paglingon naming sabay
sa gitna.
Sa isang iglap, nilamon
ng higanteng embudo
ang tatlong berdeng bolang
itinapon nila at kaniyang
iniluwa sa makulay na mga
parisukat.
Anak ng!
Napakapal namin ang sesenta't
naging
sangdaa't bente!
Tama na 'to.
Takbo na kami't bumili
ng hatkeyk at matamis na mais
na kinain namin sa harapan
ng ihinahagis nilang bapor.
Salin ng peryad binmaley