Poetry is the literature of spirituality

Naiintindihan ko na ngayon kung bakit poetry ang piniling pagaralan ni Rem Tanauan. Ito ang pinakamalapit sa spirituality. Pwede mong sabihing it ang literatura ng religion at spirituality. Ang esensya nito—ang musika at liriko—na bumabaha sa tigang na lupa ng lohika at linearidad na talamak sa sanaysay.

Ang tula ang wika ng mga propeta ng Lumang Tipan at ng mga pantas sa Japan.

Bagaman malabo pa kung may spiritual writing sa Pilipinas, klaro naman na may religious and spiritual poems sa literatura natin.