Prayer Before Walking

Panalangin Bago Maglakad

Sa oras na ito, maglalakad ako dahil nananalig ako sa aking sarili. Pakikinggan ko ang aking isipan, makikipagniig sa aking katawan, at matiyaga akong maghihintay sa pagdating ng anumang hinagap.

Sa oras na ito, maglalakad ako dahil nananalig ako sa aking kapwa. Ang lakad na ito ay pagkakataon upang makadaop-diwa ko siya. Pagkakataon ko ito upang maipakita ko sa kaniya ang aking pagkalinga, pagpaparaya, at pagpapatawad.

Sa oras na ito, maglalakad ako dahil nananalig ako sa isang nagtutulungang pamayanan. Ang bawat yapak, kilos, at sambit ko nawa'y magbigay ginhawa sa lahat ng kapwa ko, lalo na sa libu-libong hindi ko makakasalubong sa lakad na ito.

Sa oras na ito, maglalakad ako dahil nananalig ako sa kalikasan. Iginagalang ko ang bawat hayop, halaman, at umiiral sa kalikasan. Kapwa ko rin sila at sa kanila ko iniaalay ang lakad na ito.

Prayer Befor Walking

At this hour, I will walk because I place trust in myself. I will listen to my mind, commune with my body, and patiently await the arrival of whatever insight may come.

At this hour, I will walk because I place trust in others. This walk is an opportunity to meet them in spirit. A chance to show them my care, my willingness to yield, and my forgiveness.

At this hour, I will walk because I place trust in a cooperative community. May each step, each action, and each word I utter bring comfort to all my fellow beings—especially to the thousands I may never meet along this path.

At this hour, I will walk because I place trust in nature. I honor every animal, plant, and living presence in the natural world. They are my kin, too—and to them, I offer this walk.