Prayer Before Writing and Studying
Dakilang Buhay,
patahimikin mo ang aking isipan,
buksan mo ang aking puso,
nang marinig ko ng malinaw
ang nais mong sabihin sa akin.
Tulungan mo akong lapitan ang mga salita—
hindi upang magpakadalubhasa,
kundi upang magbago.
Dalhin mo ako sa kanilang kailaliman
at katahimikan
kung saan ang bawat paghinga
at bawat kabatiran
ay nagniniig.
Hayaan mo akong
maging tagamasid lamang
sa marilag at makapangyarihan mong pagkilos.
Nawa’y ang matutunan ko rito
at mailimbag sa papel
ay magpalalim sa aking habag,
magbigay-linaw sa aking landas,
at magbalik sa akin sa kabuuan ng lahat ng bagay.
Great Life,
quiet my mind,
open my heart,
so that I may clearly hear
what you wish to say to me.
Help me approach these words—
not to master,
but to be changed.
Bring me into their depths
and stillness,
where every breath
and every insight
intertwine.
Let me be
but an observer
of your majestic and mighty movement.
May what I learn here
or inscribe on this paper
deepen my compassion,
give clarity to my path,
and return me to the wholeness of all things.