Sa Simula Noong Wala Pang Mga Paa

Halika, umakyat tayo sa burol
bumaba tayo sa parang.
Usok, usok, usok, usok, usok.
Binabalot tayo ng usok
noong iniluwal tayo ni Ama-Gaolay
sa baybaying iyon.
Nilamon ng dagat ang bawat butil
ng buhangin.
Dalandan ang langit na nagaagaw
buhay sa dilim.
Lahat, halina at paulanan ang parang
ng lahat ng luha ng inyong mga angkan.
Maglakad sa dulo ng banging
ito at manahimik—
Dalhin, pakiusap, ang lahat ng luha
ng inyong buong angkan.
Lahat, lumapit, buksan ang mga palad
sa hangin at lumipad—at lumipad.