Sutran Nanlapo'd Amianën
Aliwan aya labat so sinukuan mo.
Wala 'ray labin antam,
sarag mon onitban
tan anggapo'y naliknam,
antam
mas ansakit so idapo'y
sinag na agew ed aping mo
nansa'y kipitpit na pukepukel
tan kiyarotoy na dalam.
Katon antam ag diya mangangga 'ya.
Antam a aliwan ayan agew
so ikapoy mo.
Mas mansasnit ni'd saya'y
sugasugat a apaabig mo.
Mas ampait ni'd saya'y
samasamal a apaloob mo.
Ta sika,
Anak na Too,
anggapo'y nanlapuan
tan nepeg a laen mo.
Anggapo'y nepeg a talonaan.
Anggapoy nepeg a pekderan.
Alakap kan inyanak diya
tan alakap kan akmone'y dalin
ed agew na kibalang mon
aliwan aya.
On, aliwa nin aya.
Sutrang Galing Hilaga
Hindi lang ito ang sinukuan mo.
May mga gabing alam mong
kaya mong bumitaw
at wala kang mararamdaman,
alam mong
mas masakit ang dampi
ng silahis ng araw sa pisngi mo
kaysa pagkadurog ng mga buto
at pagbulwak ng dugo mo.
Kaya alam mong hindi ito magwawakas dito.
Alam mong hindi ito ang araw
na panghihinaan ka.
Mas makirot dito ang mga
sugat na napagaling mo.
Mas mapait dito ang mga
lasong nalunok mo.
Dahil ikaw,
Anak ng Tao,
walang pinanggalingan
at walang kailangang puntahan.
Walang kailangang magapi.
Walang kailangang patunayan.
Yakap-yakap kang iniluwal rito
at yakap-yakap kang lulunukin ng lupa
sa araw ng iyong pagkawala
na hindi ito.
Oo, hindi pa ito.