Umaga

Parang may mapapala sa pagiging maagang magising. Ano? Ang nagaagawang dilim at liwanag? Ang nagaagawang katahimikan at ingay? Ang nagaagawang panaginip at ulirat? Umaga ang tanging pagkakataong maranasan natin ang muling pagkabuhay. At mukhang kailangang-kailangan nating maalala it, dahil nabubuhay tayo ngayon sa munong akala'y hinding-hindi siya mamamatay. Ang umaga agn lagusan natin sa ating kaluluwa, lagusang nagbabadyang maglaho pagpatak ng alas nwebe o alas diyes, kapag dahan-dahang nawawala na ang lamig at dahan-dahang nilalamon na tayo ulit ng mundo.

Kung gayon, mahalagang pigilin ang umaga. Mahalagang igapos ito hangga't kaya natin. Lumuhod, manahimik, magbasa, magsulat, hagkan ang mga bata, halikan ang lahat ng kailangang halikan. Bago sila maglahong lahat. Bago tayo maglaho. Ang umaga ay pangakong buhay na walang hanggan sa buhay na may hangganan.