Unti-unti, dahan-dahan
Nababanaag ko na
Ang pagtanggap.
Nagtatanong ako muli ng
"Paano ba mabuhay?"
Nag-iisip kung saan magandang bumyahe.
Inaalala
ang mga bagay na nais kong sulatin.
At nakikita muli
ang ganda ng mundo
at gandang mabuhay
sa kabila ng anumang pasakit
at pagtitiis.
Nakahihinga pa rin.
Nakagiginhawa.
Nakagagawa ng may ligaya't katuturan.
At higit sa lahat.
Naglalakad
natutulog
nauupo
ng payapa.