Alabok
Yaan na ang pagwawalis dahil sa kalangitan
may bituin nanamang gumuguho
tinatangay ng kasaysayan kumakapit sa hangin
hindi makikita hangga't hindi tumatapat sa
bugtong na sinag ng araw
magkakaroon lang ng kahulugan 'pag sumama sa iba
magpaparumi ng bahay magpapabahing ng ilong
na lulusutan ng huling hininga bago
ang pagkahulog nating lahat.