Amayo sa Filipino
Lumalamig lahat ng dinadampian
ng Amihan.
Tenga, leeg, kamay ko
naghahanap ng balabal.
Pinagaagawan ng liwanag at dilim
ang mga lumilipad na ibon.
Lumulubog rin ang araw at
yakap-yakap kita sa hapong iyon.
Malamig din ang hangin ngunit
mainit sa leeg mo.
At ang sandaling iyon ay para
ring itong mga ibon.
Lumipad nang malaya patungo
sa hinaharap na hindi mo na ako kasama.
Hapon at
Nagdudumilim na
Lumilipad ang mga ibon
Sa malungkot na kalangitan
Naalala ko
Ilang taon na ang nakalipas
Yakap-yakap kita
Habang lumulubog rin ang araw
Malamig din ang hangin noon
Ngunit mainit ang balikat mo
At mainit-init ang leeg mo
At lahat ng iyon
Ay katulad rin ng mga ibong ito
Lumilipad ng malaya
Sa hinaharap na hindi mo na ako kailan man
Kasama
Salin mula sa Pangasinan na Amayo.