Enlightenment

21 April 2016
Thursday
5:56 PM

Napakaganda
At napakalapit
Subalit pakiramdam koy napakalayo ko parin sa inyo
Hindi ko maunawaan kung bakit kailangang maitago ito sa marami
Bakit?
Bakit hindi pwedeng alam nalang natin
Marami ang mamamatay na hindi nila naunawaan
Ang mga bagay na ito ay hindi naman talaga natin mauunawaan
At minsan mas maganda nga na ganoon na lamang
Dahil bumabalik tayo sa ating sarili
Nagtitiwala tayo sa ating sarili
Dahil dito nagsimula ang lahat at sa pamamagitan ng ating sarili ay nauunawaan natin ang mundo
Ang sagot sa mga katanungang ito ay kasingrami ng tao sa mundo
At hindi ba nakamamangha na malamang ito ay isang katotohanang nauunawaan natin?
Tayo lamang ang katotohanan
Pinaniniwalaan natin kung ano ang gusto nating paniwalaan
Minsan, nagkakatugma tayo ng pagtingin sa mundo
Ngunit hindi nito ibig sabihin na tama tayo
Everything is relative
There is no absolute truth
You are your truth
And the search is within you
You may see the world through the eyes of others, through what others know
But that wont teach you what to do and how to do it.
That is your journey.