Filipino vocabulary words

A

Aba - ituring na mababà at hamak ang kapuwa o sarili; dukha (pinakaaba sa aba)
Abaloryo - maliit at bilóg na kristal, bató, at katulad na may bútas sa gitna, karaniwang tinutuhog upang gawing palamuti, galáng, o kuwintas; bead
Agunyas - tugtog ng kampana para sa namatáy.
Alihan - pangingibabaw ng damdamin
Alo - aliw para sa táong nalulungkot, nababagabag, o may suliranin
Alpas - kumawala o umalis sa pagkakahawak, pagkakatali, o pagkakakulóng
Alupihan - alinman sa arthropod (class Chilopodo, genus Scolopendra ) na may pahabâ at sapád na katawang nahahati sa bahagi na may tig-iisang pares ng paa; centipede
Amba - nagbabanta at poot na kilos ng kamay
Ampat - apula; pagpigil sa daloy o tulo ng dugo, tubig, at katulad; pagsawata, o pag-awat sa mga nagkakagalit; pagsugpo o pag-alis sa bisyo
Aranya - sanga-sangang kumpol ng mga ilaw na karaniwang nakasabit sa kisame; gagamba
Asahar - bulaklak ng kahél; artipisyal na bulaklak ng kahél, karaniwang inilalagay sa ulo ng babaeng ikakasal o ng flower girl, sa ibabaw ng bélo.
Asilo - asylum
Atip - pantakip sa bubong
Atril - katangán o patungán ng aklat, piyesa ng musika, o anumang binabása, karaniwang yarì sa magaang metal o kahoy; lectern, pulpito

B

Badha - [ST] mapuláng pambarnis ng kahoy
Bahaw - kung sa tinig, paos o malat (basag)
Bakokang - súgat na matagal gumalíng at nag-iiwan ng malaki at malalim na peklat sa balát
Balana - pagbago ng isang gawain; pagpapanumbalik ng init at sigla.
Banaag - bahagyang pagkakilála sa anumang bagay na nakikíta dahil sa kalabuan ng matá
Balagwit - pasan sa magkabilâng dulo ng pinggá
Balasik - bagsik; anyong nakahihindik
Bandeha - malanday at malapad na kasang-kapang yari sa losa, tabla, plastik, o metal na ginagamit sa pagdadalá ng mga baso at katulad
Banlik - mabuhanging putik na iniwan ng nagdaang bahâ
Bantulihaw - kamagong
Bantulot - hindi makapagpasiya kung ano ang gagawin; urong sulong
Batik - patak-patak na dumi o kulay sa anumang bagay
Berlina - karwaheng may pintuan.
Bigtal - [ST] nabiyak, tulad ng pagkabiyak ng singsing; punit; tanggal sa pagkakabit, gaya ng bigtal na tabla, kawayang sahig, o pahina ng aklat; tastas; pigtal
Bilot - anyo na nabubuo ng bagay na pinaiikot-ikot
Bistay - salaan na gawâ sa masinsin at makitid na lapát na kawayan at ginagamit upang maihiwalay ang bigas sa ipa, binlid, o darak
Biyas - bahagi sa pagitan ng mga bukó, gaya sa kawayan, tubó, at iba pa; bumbong; bahagi sa pagitan ng mga hugpungan ng katawan ng tao o hayop, gaya ng bisig, binti, at iba pa
Bubot - bud; hindi hinog, karaniwan sa bungangkahoy gaya ng bubót na bayabas, at bubót na sinigwelas
Bulahaw - [ST] malakas ang tinig, idinadaan ang lahat sa lakas ng sigaw; paggulo sa katahimikan
Bulalas - pagpapakita o paglalabas kung ano ang nása loob; táo na mahilig maglustay; biglang pagsasalita dahil sa matinding damdamin, pagkagulat, pagtutol, at katulad; pagsigaw o pagsasalita nang malakas o mariin
Bulaw - biik
Bulsikot - purse; maliit na bag, pouch, o kaha na lalagyan ng salapi
Bulugan - [ST] laláking baboy o kabayo na ginagamit sa pagpapalahi; barako
Bunsol - pagkawala ng ulirat; [ST] kulam para magalit; tákot na muling gawin ang isang bagay
Burak - uri ng pútik na mabahò at malansa gaya ng putik sa pusalì at estero
Busilak - immaculate; pure; immaculate whiteness (busilak sa kaputian; lalong bubusilak)
Butlig - maliit at namumuláng umbok sa balát

D

Dagat-dagatan
Dagas - dumaan
Dagim - dark clouds that bring rain; nimbus
Dalirot - pagdutdot o paghalò sa anuman sa pamamagitan ng daliri
Dalisdis - rabaw ng lupa na dahilig, gaya ng gílid ng gulód, matarik na pampang, at katulad
Dalom - [ST] hinakdal
Daluhong - [ST] pagsalakay o paglusob nang bigla o mabilis
Damortis - kamatsile; pendant na hugis tainga.
Danga - [ST] paglukso
Dawag - damo at baging (madawag, dawagan)
Dipa - pagpuwesto sa paraang pakrus o pantay-balikat na pag-unat ng dalawang kamay; sukat ng haba nito
Diris - [ST] apdo; tonsil
Diwara - [ST] pagiging lubhang maingat at labis na sinusuri ang kaliit-liitang detalye; busisi
Donselya - dalaga; birhen
Dukwang - paraan ng pag-abot na nakaunat ang braso at inilalapit ang katawan paharap
Dulos - kasangkapang pandukal, may hugis dilang malukong, at mata-lim ang dulo;

E

Edad medya - Middle Ages
Espektro - spectrum

G

Gililan - pahaláng na bahagi ng balangkas na nagdadalá ng bigat ng dingding; nakahigang bahagi ng balangkas ng tabike
Ginsa - bigla (nang di-kaginsa-ginsa'y)
Gupo - pagbagsak o pagkagiba, karaniwang dahil sa labis na kahinàan o sa bigat ng anumang dumagán (maigupo = foiled)
Gulantang - nagulat; biglang nagising
Gumon - pagkahilig o pagkalulong sa isang bisyo; pag-uukol ng buong panahon sa isang gawain; paulit-ulit na paggulong sa putik, alikabok, at katulad; pagkaratay dahil sa malubhang karamdaman.
Guryon - malakíng saranggola na may sumba

H

Hagibis - tunog o pakiramdam ng mabilis na pagdaan ng mga sasakyan, tao, o hangin; harurot
Hagip - sunggab o pagsunggab; pagkuha ng isang bagay na gumagalaw sa tubig; pagdagil, pagbundol, o pagkasagi; pagtama sa inaasinta.
Hakab - mahigpit ang pagkakalapat ; kung sa damit, pitis na pitis; [ST] pagsipsip gamit ang bibig o biyas ng kawayan; paglalapat, gaya ng paglalapat ng bató sa argamasa.
Halinghing - huni ng kabayo; daing ng tao na nahihirapan sa karamdaman o naliligayahan sa sex
Hantik - red ants
Hapay - nakakiling ang ayos; kumiling ; mawala sa tuwid na pagtayô.
Hapis - pighati; matinding sakít na na-daramá ng isip at katawan; habag sa sarili; pain
Hara - nakaharang sa daan ng ibang nása harap
Hilahod - pagkilos nang nanghihinà o tinatamad; pagkapilay
Hilahil - dusa; distress; matinding ligalig ng isip o matinding kirot
Hilakbot - pakiramdam na pagtinghas ng balahibo dahil sa sindak
Himaymay - fiber; tíla sinulid na estruktura na bumubuo sa tisyu ng hayop o haláman; anumang materyal na maihihiwa-hiwalay na tíla sinulid at magagamit sa paghahabi
Hinakdal - dalom; pagtatanggol sa sarili sa pamamagitan ng pagdadahilan; daíng o paghingi ng tulong mula sa kinauukulang nakalimot sa tungkulin nitó; kahilingang mabigyan ng masisilungan; hinanakit
Hingutuhan - [noun] act of picking lice from one another's hair
Hinihinulihan (mula sa hinuli) - to clean someone's ears
Hinihinukuhan (mula sa hinuko) - to cut someone's nails
Hinuhod - pagbibigay ng pahintulot ; pagpayag
Hinuhod - pagbibigay ng pahintulot ; pagpayag
Hitit - paghithit ng usok mula sa sigarilyo o tabako
Hugong - [ST] ingay o tunog na malalim at mababà
Hugos - pagbababâ ng anuman mula sa mataas na kinalalagyan; sabáyang pagsugod ng mga tao
Hugpong - joint; bagay na nag-uugnay o nagkakabit sa dalawang bagay; ang púnto na pinagdugtungan ng dalawang bagay; ang karugtong o idinugtong sa dulo upang humabà (naghuhugpong; hugpungan)
Hulab - possibly hunab; vapor rising from the ground
Hulagpos - freed
Hulaw - pagtigil o paghinto ng marahas na pangyayari, gaya ng paghulaw ng bagyo
Hulo - pinagmumulan ng agos ng tubig; bahagi ng isang bayan o komunidad na nása gawíng pataas ng isang bundok o libis; o nása ibabâ naman kung pababâ at malapit sa ilog o dagat; ilaya
Humpak - nakalundo paloob ang anyo dahil walang lamán, gaya ng pisngi na walang ngipin o ng tiyan ng payat at gutom
Huna - karupukan ng isang estruktura (kahunaan = frailty)
Hungkag - walang laman
Hunos - pagpapalit ng balát, kaliskis, o balahibo ng hayop, isda, o ibon

I

Ibis - pagbabâ mula sa sasakyan
Igkas - galaw ng anumang bagay na bumalik sa dáting ayos matapos hilahin o bitawan
Ikid - anumang paikot ang pagkaayos, gaya ng ikid ng film, ikid ng sinulid, ikid ng kable
Ikmo - halámang baging (Piper betle ) na ginagamit ang dahon na pambalot ng ngangà, malaganap mulang India hanggang Filipinas; lawer sa Pangasinan
Ingit - mahinàng iyak ng isang batà o hayop
Impit - pagpapaliit ng isang bagay sa anumang paraan; pagpigil sa tawa, iyak, o sigaw; pinigil sa isang kalagayan upang hindi makawala o maibulalas
Indulto - noong panahon ng Español, buwis na ipinapataw sa galeon
Iwarang - Batangueñong salita; tabinge, hindi pantay (paiwa-iwarang)

K

Kabyaw - pag-ilo o pag-katas ng tubó; pagikot ng paa sa bisikleta
Kaibuturan - kaloob-looban o kalagitnaan; "aking kaibuturan" = soul
Kakanyahan - kaakuhan; natatanging aspekto ng katauhan ng isang tao; identidad; ang gayon ding pagkakakilanlan ng isang pangkat o bansa bílang tatak ng pagkakaisa
Kalabusaw - mabilis at hindi kontroladong pagkampay ng bisig at pagpadyak ng sinumang nag-aaral lumangoy; tunog ng nila-busaw na tubig.
Kalamkam - kiliti (pero ginamit ni Tinio para ilarawan ang radyo)
Kalaykay - kasangkapang pangkahig ng lupa, karaniwang yarì sa bakal ang ngipin, at gawâ sa ka-hoy ang hawakán
Kaligkig - panginginig ng katawan dahil sa ginaw na dulot ng lagnat
Kalupi - [ST] katutubòng maliit na sisidlan ng rosaryo; pitaka; portpolyo o anumang sisidlan ng mga papeles at iba pang abubot.
Kambas - uri ng tela na matibay at magaspang, yarì sa hemp o flax, o ibang magaspang na himaymay, at ginagamit sa pag-gawâ ng layag, tolda, at iba pang materyales na pinipintahan; canvas
Kanlong - natatakpan o nalilili-man; nakakubli sa likod ng kalasag at iba pang harang, kayâ hindi makíta o makakíta (kumanlong sa duguang bangkay ng anak)
Kanti - pagkalabit, paghaplos, o pagtama na halos hindi sumayad
Kapagdaka - agad
Kapara - parang tulad
Karat - sex
Karsel - bilangguan; karsil
Kasi - [ST] pagsanib ng espiritu o pagpasok sa kalooban; "kasihan mo ako ng tapang"
Kata - táyong dalawa; ikaw at ako; tayo
Kawag - igalaw ang mga bisig at paa, lalo na sa paglangoy o kung nalulunod; paggalaw ng pakpak, buntot, at iba pa; alingawngaw ng boses.
Kibot - mahinàng pintig; halos hindi mapansing galaw
Kililing - varyant ng kuliling; maliit na batingaw; tunog na nalilikha nito
Kipil - pagpikpik ng isang malam-bot na bagay upang magkaanyo, tulad ng pagkipil sa luad
Kipkip - paraan ng pagdadalá sa pamamagitan ng pag-ipit sa kilikili, panloob na bisig, at tagiliran
Kisap - kislap; kindat
Kislot - jerk; paggalaw ng mga hibla ng lamán, lalo na sa mga bagong katay na hayop
Kiti - bulâ na nalilikha sa rabaw ng anumang likido bago kumulo
Klarete - alak na kulay pulá at nagmula sa katas ng ubas.
Korto - shorts
Kubol - [ST] isang tíla toreng patulis, na karaniwang ginagawâ sa mga altar kapag ipinuprusisyon; tent
Kubyerta - deck; plata-porma sa barko na sumasakop sa buo o bahagi ng lawak nitó at nag-sisilbing palapag
Kuna - kámang may sangga ang mga gílid at gamit sa pag-aalaga ng sanggol; crib
Kunwa - varyant ng kunwari
Kura - upo? Parang sa picnic?
Kural - kulúngan ng hayop
Kuyom - nakatikom na palad; magkimkim o kimkimin (kuyumin, magkuyom); "humuhulagpos sa kuyom" (metaphor: escaping the grasp of")

L

Labakara - bimpo
Labsak - kalat; labis na kalambutan ng isang bagay, lalo na kung prutas o halámang-ugat
Lagaslas - hagalhal; malakas na tunog ng tubig na bumabagsak mula sa mataas na pook gaya ng talón
Lagutok - maikli ngunit buong tunog ng butóng binabaltak o inuunat, o ng tabla o kahoy na humaginit, o ng apoy kapag sinusunog nitó ang bagay na hungkag
Lambong - shawl; cloak; maitim na pantakip o pantábing sa uluhan ng isang tao o pook; saplot na itim, pantakip sa ulo at mukha, at karaniwang ginagamit sa pagluluksa
Lapirot - paglukot at pagdúrog sa pamamagitan ng dulo ng mga daliri
Latak - anumang dumi na naiiwan sa ilalim ng sisidlan ng likido
Lawas - isang malaki at natatanging koleksiyon, hal lawas ng tubig, lawas pangkalawakan; body
Libak - puna na may layuning tahasang maliitin at insultuhin ang pinapaksa; kilos o pahayag na nagmumulâ sa kawalan ng gálang at pagsasaalang-alang para sa isang bagay; contempt, disdain, scorn, kutya
Ligas - hibla
Ligasgas - pagiging tuyô at magaspang ng balát o rabaw ng anumang bagay
Ligwak - pagkakatapon ng tubig o anumang likido mula sa sisidlan
Likaw - anyo na nililikha ng kurbang umiikot sa sarili, gaya ng likaw ng lubid o alambre
Lilis - itinupi ang manggas ng damit pataas o itinaas ang laylayan ng bestida
Limahid - labis na karumihan, lalo na sa katawan at pananamit
Limi - pag-iisip mabuti hinggil sa isang bagay o pangyayari
Linga - haláman (Sesamun indicum ) na may bilóg na butó na nakakain at nagdudulot ng langis; tumingin sa paligid na tíla naghahanap.
Litid - ligament, tendon; matibay na himaymay na naghuhugpong sa mga butó ng tao
Liwasan - pook na malawak at karaniwang nása likás na kalagayan para paglibangan ng madla; ginamit ito ni Rofel para tukuyin ang safari
Liya - napakaliit at tíla kaliskis na halámang tubig (Lemna paucicostata ) na sapád ang dahon at karaniwang tumutubò sa mga paliguan.
Liyad - nakaposisyong pausli ang tiyan
Liyo - pagkagulo ng isip ukol sa ginagawâ; pagkahilo nang bigla at panandalian
Losa - porselana
Luga - pagnananà sa loob ng tainga; utoy
Lukayo - lakayo; payaso
Lukong - rabaw o bagay na nakakurba paloob, gaya ng panloob na bahagi ng bílog (saluhin ng pinalukong kong palad)
Lunoy - lumakad sa tubigán nang hindi naghuhubad ng damit; dumaan sa makipot na bahagi ng isang ilog (paglulunuyan, lumunoy, maglunoy)
Luoy - lanta; [ST] pagkabulok at pagkahulog ng bunga o pagkuluntoy ng utong ng babae.
Luwat [ST] - tagal ng panahon o oras

M

Maapuhap - paghahanap sa pamamagitan ng kamay
Mamad - [ST] maputla dahil sa sakít; lumambot at namagâ dahil sa pagkababad sa tubig
Manaka-naka - bihira
Mapiho - specify
Mariquita - babaeng ibon; babaeng kulisap
Masinsin
Matarling - mataas at matining na tinig; soprano
Medya-agwa - sibi; nakahilig na silungan, karaniwang nakakabit sa dingding ng isang bahay o nakadugtong sa bubong; dagdag na bahagi sa tunay na bahay
Mulaga - stare
Mulido - [War] panghimagas na gawa sa binayo na kamote, hinaluan ng asukal at kinudkod na niyog, inluto hanggang sa tumigas at inihulma nang pahaba at manipis.
Mutawi - tapat na pagbigkas ng mga salitâ; diin ng pagbigkas ng salitâ

N

Naknak - paglalâ ng súgat, karaniwang maraming nanà
Nasisino - recognize
Nawnaw - simula ng pagdamá (nawnawin ang ulat sa palad mong kapos)
Ngisi - grin; pag-ngiti nang banát ang labì at nakalan-tad ang mga ngipin
Ngisngis - pagngiti o pagtawa nang nakikíta ang mga ngipin
Ngiwi - nakatabingi ang bibig, karaniwan dahil sa lungkot o kawalan ng kasiyahan
Ngulontoy - varyant ng kuluntoy; mga buhol na sanhi ng masyadong pagkakapilipit; kupás at lanta, gaya ng kuluntóy na bulaklak at dahon var nguluntóy
Nguyngoy - walang patíd na pag-iyak ng batàng nag-aalboroto
Nisnis - natanggal o natatanggal na sinulid o himaymay ng anumang hinabing tela, damit, o kumot dahil sa labis na pagkagamit at kalumaan; pagdupok ng damit dahil sa kalumaan o masamâng pagkakakusot

O

Obertura - overture; panimula o pambungad na tugtugin sa komposisyong pang-orkestra, opera, at iba pa; pambungad na negosasyon
Olandes - baybay sa Tagalog ng Holandes.
Opertoryo - sa simbahang Katolika, pag-aalay ng tinapay at alak sa Eukaristiya ; o ang awit hábang isinasagawâ ito; offertory; paghahandog ng anumang bagay sa altar hábang isinasagawâ ang serbisyong pansimbahan

P

Paboreal -
ibon (Pavo cristatus ) na malakí at may mahabàng buntot na tíla may mga matá; peacock
Pagal - panghihina dahil sa pagod
Paisano - kababayan
Pakak - Antipolo tree
Pakakak - malaking kabibe na hinihipan at ginagamit na panghudyat; tambuli
Pakaskas - minatamis na pulut at niyog, hinulma at pinatuyo sa dahon ng buli, at inayos nang pabilóg Cf Panotsa
Paknit - strip; nabakbak mula sa labis na pagkakadikit
Palara - [ST] puluhan ng palakol na yari sa bakal.
Palo-tsina - palo china planks
Panambil - [ST] tábing sa gilid ng sasakyang-dagat; biyombo - naititiklop na iskrin o tábing
Pangos - pagkagat ng bagay na may katigasan, karaniwan sa pag-pangos ng tubó; ngalngalen sa Pangasinan at Iloko
Palanas - malawak na kapatagan; pook na maaliwalas; baybayin ng ilog na mabato.
Palataw - palathaw; [ST] manipis na itak; maliit na palakol at may maikling hawakan var palataw, palatsaw, palatyáw; hatchet
Palito - tutpik; isang piraso ng posporo
Pandaw - [ST] dumalaw sa pa-ngisdaan o bitag para tingnan kung may húli at kuhanin ito; dumalaw sandali at hindi inaasahan sa kasin-tahan.
Panguman - hinggil sa ugnayan ng dalawang tao bunga ng muling pag-aasawa ng ina o amá, karani-wang itinatambal sa isa pang salita, halimbawa: amáng pangúmán, ináng pangú-mán; madrasta
Panimdim - matin-ding balísa, karaniwang dahil sa sinisikil na samâ-ng-loob var panim-dímin
Pañuelo - dress
Paragos - uri ng kareta, karani-wang yarì sa kawayan at nakatikwas kapag hinila, kayâ ang panghuliháng mga dulo ng mga baras lámang ang nakasayad sa lupa
Payneta - suklay na nakapabalantok at karaniwang pampalamuti sa buhok ng babae; peyneta; tiara?
Payumpong - paypay
Pelus - velvet
Pigtal - natanggal at nalaglag sa kinabibilangang kalakhan, gaya ng dahon o bulaklak na natanggal sa haláman nitó
Pigtas - varyant ng bigtas; sapilitang pinunit o sinirà ang pagiging buo; nagkaroon ng biyak o sirà, gaya ng bigtas na dike o bigtas na damit
Pilantik - mahinàng hagupit ng dulo ng latigo (ang papila-pilantik na kinang)
Pilas - maliit na piraso ng papel, tela, at katulad; púnit o pagpúnit (kapilas; pilasin)
Pilat - bakás ng gumalíng na sugat, pasò, at kauri
Pilipisan - ang magkabilâng panig sa tagiliran ng noo, sa pagitan ng kilay at patilya
Pingas - may píngas o píngal; piningas na tainga; sirà o uka sa gilid ng rabaw ng plato, baso, o banga
Pingki - biglaang pagtama sa isa’t isa ng dalawang bagay na matigas; tunog o kislap ng pagkikiskisan ng dalawang bagay na may katangiang magliyab.
Pinid - sara
Pisi - string; sinulid na yari sa bulak; paraan ng pag-uri sa habà o ikli ng pasensiya, o sa dami ng salapi gaya sa “maikli ang pisì ” o “mahabà ang pisì"
Pitsa - sa sugal, anumang bagay na gaya ng plastik na bilóg o parisukat na may natata-nging halaga at ginagamit bílang salapi; chip
Platika - Kas noong panahon ng Español, pana-langin para sa kumpisal, komunyon, at iba pa na nása loob ng katekismo o pasyon; pahayag
Pukaw - gising o nagising; paggísing mula sa pagkakahim-bing; pag-antig o pagpapagunita sa isang nakalilimot
Pulon - [ST] pagsasama-sama ng mga tao o bagay; pag-pupulupot ng talì, lubid, at kauri
Punebre - tugtog para sa patay o paglilibing.
Punglo - bagay na ginagamit para ipantudla ng target sa pagbaril, karaniwang yarì sa metal at may la-máng pulbura
Puntas - pínong pi-raso ng tela na binuo sa pamama-gitan ng pagborda at ginagamit bílang pandekorasyon sa gilid ng damit, kortina, at katulad; lace
Punyal - balaraw; matulis na patalim na magkabilaan ang talim
Pusali - pook na pina-mamahayan o dinadaluyan ng maru-mi at maitim na likido o tubig
Puswelo - tasa
Puyo - sa ulo, ang bahaging nagbibigay ng likás na hawi sa tungkos ng buhok na nakapaligid dito; alimpuros

R

Rabaw - ibabaw; surface
ratay - variant ng datay; pamamalagi nang matagal sa pagkakahiga dahil sa karamdaman; paglalagay ng isang bagay sa sahig nang nakalapat ang lahat ng bahagi

S

Sakong - heel; likurang bahagi ng paa sa ibabâ ng búkong-búkong; bahagi ng sapatos o bota na sumusuporta dito; [ST] naatasan at napipilitan dahil sa dami ng dapat gawin.
Salabid - pagsabit, pagkapulupot, o pagkapátid ng paa, gaya sa lubid o alambre
Salat - hipo
Salimbay - palutang na paglipad nang hindi ikinakampay ang mga pakpak.
Salta - lundag; pasok
Salunong
Samay - pagsasáma-sáma ng mga himaymay para bumuo ng disenyo
Sambasamba - mantis; uri ng yerba na mapait.
Sambulat - pagkalat at pagtilapon sa maraming piraso
Sanggi - sagi
Santing - papatinding ínit ng araw o gámit na de-koryente
Sapo - pag-apaw ng tubig sa daan o sa taniman.
Sasa - magtamasa ng anumang kasaganaan
Sasandali - in a moment (alam nilang sasandali pa'y may mga papalit na sa kanila)
Sawata - pahayag o kilos ng pagbabawal o pagpigil; pagpígil o pagkontrol sa nagaganap na
Serbilyeta - napkin
Sibad - anumang kilos o gawa-ing biglaan at mabilis; pnd su·mí· bad, pa·si·bá·rin, mag·pa·sí·bad
Siglaw - glimpse
Sikdo - malakas na pintig ng puso, lalo na ng isang natatakot
Silat - siwang sa pagitan ng mga kawayang sahig
Silbato - pito; instrumentong naglalabas ng matinis na tunog sa pamamagitan ng hininga at kara-niwang ginagamit sa pagbibigay ng senyas
Silo - bitag (nagpapabitag)
Simsim - [ST] pagsipsip upang tikman ; pag-namnam ng lasa; pagpapaka-siyá sa kagandahan ng isang babae
Sinamay - [ST] telang maluwag ang hábi, karaniwang yarì sa abaka
Singasing - paghingal dahil sa matinding hapo; pagbuga ng singaw o vapor; pagsúka ng pusa nang tumatayô ang balahibo; tila nagbu-buga ng singaw sa ilong na gawain ng toro kapag inaamoy ang báka
Singhap - paghinga nang pauntol-untol at hirap na hirap; panganga-pos ng hininga
Sinsin - kalagayan ng anumang masinop ang pagkakadikit-dikit, gaya sa sinsín ng paghábi ng tela o paglála ng banig; pagdiriwang ng pa-salamat.
Sisne - swan
Siwang - bahag-yang bukás, kung sa pinto, bintana, at katulad
Sonambulo - sumat; pagsa-salita at paglalakad hábang natu-tulog
Sugpong - hugpong
Sulib - puwang o espasyo sa pagitan ng dingding at sahig, kisa-me at itaas ng dingding, o ilalim ng káma; pagtatago sa ilalim ng katre o silya.
Sulingan - refuge
Sulsi - pagtahi sa sirà ng damit, sako, lambat, at katulad
Sungaw - pierce
Suyod - suklay na may ngiping masinsin; kasang-kapang pansáka na ginagamit na pandurog at pampino ng lupa sa li-náng; masuyod = masinsin

T

Taginting - kalansing; tunog na nalilikha ng nagpipingkiang metal, porselana, at iba pa; matarling
Taguangkan - sinapupunan
Tahik - lupaing tigang na malayò sa dagat; ilang
Talilis - pag-alis ng lihim; "hindi tumatalilis kapag nireretratuhan"
Talop - nabalatán o natanggalan ng balát; pag-alís o pagtanggal ng balát
Talulot - petals
Talungko - paraan ng pag-upô na nakadikit ang binti sa hita at nakabitin ang puwit; posisyon sa pagtae
Tarak - pagsaksak nang madiin at iniiwang nakabaon ang patalim sa sinaksak
Tatal - pinagtapyasan o pinagtabtaban ng kahoy
Tibo - matalim at matulis na organ ng ilang kulisap, gaya ng bubuyog o ilang uri ng isda, at ginagamit bílang proteksiyon; natibo = natusok ng tibo
Tigalawa - tigdalawa; two each (ang mga tirahang tigalawang maliit na silid)
Tighaw - paggalíng mula sa karamdaman ; pagginhawa mula sa kahirapan (tumitighaw ng anumang uhaw)
Tigib - punong-puno (tigib ng dusa)
Tigmak - babad; lubhang basâ dahil sa malakas na buhos ng anumang likido, gaya ng tao na tigmak sa ulan, o pader na tigmak sa pintura
Tiim - nakaimpit ang labì, ngipin, o bagáng sa pagpipigil o pagtitimpi ng galit o sakít
Tikatik - hinggil sa ulan na mahinà ngunit tuloy-tuloy; ganitong paraan ng paggawâ.
Tiklis - basket na malakí ang bibig, maluwang ang pagkalála, at may pares ng taingang hawakan
Tilamsik - talsik; paglipad o pagkalat ng likido
Tilandoy - bulwak ng tubig pataas
Tilas - cocoon
Timbuwang - matumba nang patihaya, padipa, at pabukakâ
Tinis - tinig na mataas, matalim, at nanunuot sa pandinig; kataasan at kalakasan ng tinig.
Tiwa - askarid; bulate (tinitiwa)
Tiyap - come together
Tsubibo - ferris wheel; sasakyang pangkarnabal, napakalakí at tíla nakatayông gulóng, at may mga nakasabit na mga upuán ng tao; carousel; sasakyang pangkarnabal, tíla nakahigang gulóng na umiikot at may mga upuáng hugis kabayo, kotse, at katulad
Tudla - punterya; pagpapatama ng patalim, sibat, o punglo sa inaasinta
Tugpa - [ST] pagbabâ mula sa bundok o burol túngo sa kapatagan o sa pantalan upang sumakay sa bangka o barko
Tulot - allow
Tuluyan - prose; nakasulat o binibigkas na wika sa karaniwang anyo nitó at walang tugma at sukat, karaniwang tumutukoy sa katha
Tunghay - pagtataas ng mukha
Tunghay - pagtataas
Tungki - dulo, gaya sa tungki ng ilong
Tuod - malakíng ugat ng punò, ngipin, at iba pa
Tutop - natatakpan o natatabunan ng kamay o buntot; sa pananahi, ang lupi o lilip sa mga dulo o layláyan ng damit; nahúli sa akto
Tuwad - nakahilig pababâ sa harap na ang puwit ay higit na mataas kaysa ulo

U

Ubak - [ST] balakbak; tuyông balát ng punò, palma, at tubó
Ulo-ulo - tadpole; butete
Ultaw - litaw
Untol - pansamantalang paghinto
Usal - paulit-ulit na pagsasalita nang pabulong, karaniwan kapag nagsasaulo ng isang aralin.
Uwang - [ST] beetle; pag-iyak ng batà; pag-ungal ng hayop, pagtahol ng áso, at katulad.

W

walang-maliw - walang-kupas; walang-hanggan; eternal
Wawa - pag-unawa sa sinasabi

Y

Yangyang - pagpapatuyô ng nakasampay na damit sa hangin
Yayat - payat
Yumi - hinhin
Yupyop - paggamit ng katawan bílang takip ng nais bigyan ng init o proteksiyon, gaya ng pagtakip ng inahin sa mga sisiw; pagtatagò ng mukha sa unan, dibdib, o kandungan upang ikubli ang lungkot

Mga Idioma

Pagmamantsa ng pisngi - blush