Imno sa Ambon
Ulan, ulan ang simula ng lahat. Ulan, ulan. Bubong ang hawla ng pagkakataon. Aurang gumugulong, kukulong. Kumukulong tubig sa kandila ng umaga. Ulan, ulan. Makiling, magpa-ulan. Ito ang tanging dapat sambahin. Anito ng milenyo. Uhaw ang lahat pagkatapos. Magpaulan. Ulan, oh ulan. Anong tamis ng oras bago gumising ang mundo. Bago magmistulang abo ang lahat sa pagguho ng langit. Ulan, ulan. Hahanapin kita sa mga patak ng ulan.