Improv

Sa ngayon
nakatali pa ito
pinagdurugtong
ang dulo ng poste
at ang alalay sa bubong
lumang t-shirt
na naging basahan
bago pinunit
pinaikot sa
pinagtagpi-tagping
kahoy.

Sa ngayon
sapat na itong
pagiimbakan ng tiwala

bago ang susunod
na hampas
ng hangin.