Masasakit na Salita Isang Gabi Habang Naglalakad sa Session

24 April 2016
Sunday
6:46 PM

Hindi purket walang naipublish hindi na manunulat.
Hindi purket hindi nagtuturo hindi na guro
Hindi lahat ng di nakapagaral bobo
At hindi lahat ng nakalagaral hindi na bobo
Hindi lahat ng bokasyon kailangang pagkakitaan.
At hindi lahat ng pinagkakakitaan kailangang gawing bokasyon.
Ang amateur ay higit na mahal ang kaniyang craft kesa sa experto
Hindi mo kailangang maging eksperto sa iisang bagay?
Bakit kasi iisa lang?
Hindi ba pwedeng marami.
Paminsan minsan kailangan tayong paalalahanan na sinira ng kapitalismo ang mga buhay natin.
At lahat ng paniniwala at porma ng pamumuhay natin ngayon ay dinikta ng pera at trabaho
May panahon noon na nakahihigit ang paglalaro kesa pagtatrabaho
At sinong nagsabing hindi ko pwedeng ibalik ang nakaraan?