Mga Simulain ng Nilay

  1. Bawat tao ay may kakayahang lumikha, magpahayag ng saloobin, at umunlad gamit ang pagsusulat.
  2. Ang pagsusulat ay pagmamay-ari ng lahat ng tao anuman ang kanilang kasarian, lahi, pangkat etniko, katayuan sa lipunan, edad, natapos sa pagaaral, relihiyon, kapansanan, at iba pang grupong kinabibilangan.
  3. Ang pagsusulat bilang isang indibiduwal at kolektibong gawain ay isang kasangkapan tungo sa pagbuo ng isang nagtutulungang pamayanan.
  4. Ang pagsusulat ay isang mabisang paraan upang bumalik sa sarili, sa kapwa, sa pamayanan, at sa santinakpan.
  5. Ang pagsusulat magkakasama at pakikinig sa mga naisulat ng iba ay nagpapalakas ng tinig ng bawat manunulat.
  6. Walang iisang poetika ang may monopolyo sa pagsusulat. Ang pananatiling bukas sa lahat ng poetika at paraan ng pagsusulat ay nagpapalaya sa manunulat at nagbabalik sa kaniya sa kaniyang kapwa.