Prayer Before Writing
Panalangin Bago Magsulat
Walang Hanggang Ilaw,
Patahimikin mo ang aking isipan,
buksan mo ang aking puso,
nang marinig ko ng malinaw
ang nais mong sabihin sa akin.
Hawakan mo ang kanang kamay ko
at akayin mo ang panulat
nang ang nais mong ihayag
ay maisapapel.
Dalhin mo ako sa kailaliman
at katahimikan ng mga salita
kung saan ang bawat paghinga
at bawat kabatiran
ay nagniniig.
Hayaan mo akong
maging tagamasid lamang
sa marilag at makapangyarihan mong pagkilos
na nagluluwal ng mga salitang
nakapagpapaginhawa sa lahat.
Nawa'y anumang mailimbag sa kwadernong ito
ay magpalalim sa aking habag,
magbigay-linaw sa aking landas,
at magbalik sa akin sa kabuuan ng lahat ng bagay.
Prayer Before Writing
Endless Light,
Quiet my mind,
open my heart,
so that I may clearly hear
what you wish to say to me.
Hold my right hand
and guide the pen,
so that what you wish to reveal
may be written down.
Bring me into the depths
and stillness of words,
where every breath
and every insight
intertwine.
Let me
be but an observer
of your majestic and mighty movement
that gives birth to words
bringing comfort to all.
May whatever is inscribed in this journal
deepen my compassion,
give clarity to my path,
and return me to the wholeness of all things.