Sa tricycle kahapon

Sa tricycle kahapon, nakita ko ang paglutang ng ilang mga ibon sa ibabaw ng ginto nang palayan. Kaagad kong naramdaman ang parati kon nararamdaman noon sa mga hapong nagbibisekleta't naglalakad ako sa Sta. Maria. Hindi ako nagsisimula sa wala. Matagal ko nang ginagawa ang ginagagawa ko. Ipinagpapatuloy lamang. Lumilinaw lamang at nadaragdagan ng mga kasama.