Tumba
Dugo itong
humalo na sa pawis kong
tumatawid sa noo
nagbabadyang pumatak
sa mainit na kalsadang
pumipigil sa'king mukha.
Paalam, 'nay.
Patawad.
Marahil,
ito na ang hangganan
ng lahat ng iyong
paninimdim.
Dugo itong
humalo na sa pawis kong
tumatawid sa noo
nagbabadyang pumatak
sa mainit na kalsadang
pumipigil sa'king mukha.
Paalam, 'nay.
Patawad.
Marahil,
ito na ang hangganan
ng lahat ng iyong
paninimdim.