Araw ng Kapanganakan
Dahil wala namang masyadong gamit ang araw ko ng kapanganakan habang lumalaki, ginamit ko na lamang itong sukatan ng oras, ng layo ko mula sa bagay-bagay, ng lapit ko sa kanila, ng pagitan. Halimbawa, umaga ako pinanganak at gabi namatay ang pinakapaboritong tiyuhin ng tatay ko't mga kapatid niya. Sa taong ipinanganak ako, binili nila ang puting Anfra na pinagpasapasahan ng magkakamaganak hanggang noong isang taon lang, noong pareho kaming tatlumpo't tatlong taong gulang, ipinagbili siya sa isang mangangalakal ng baka. Ang araw ng kapanganakan ko ay araw rin ng kapanganakan ng pinsan kong namatay sa disgrasya sa sasakyan sa Mexico. Kasabay ko raw siyang tumatanda sa langit paniwala ng Tita ko na hindi makaiwas sa pagbibilang kung ilang taon na rin siya nawala sa amin.
Hanggang ngayon, naiilang pa rin akong makantahan. Hindi pa rin sigurado paano tumugon sa mga bumati.
Ginamit ko ring paalala ng