Serif
Kay Rem
Kung ang buhay ay siyang tula
tulad ng parati mong sambit,
maiksi ang 'yong tula.
Subalit dahil dito,
mas ramdam ko ang hiwaga,
ang pagkamangha,
na sa bilyon-bilyong taong
maari sanang nahagip
ng banayad mong pluma,
naging serif ako
ng lumulundag na titik
sa payapa mong tula.
For Rem
If life is the poem
as you've always said,
yours is a short one.
But because of this,
I am filled with wonder
and awe,
that among billions
your gentle plume
could've touched,
I became a serif
of a lurching letter
on your placid poem.