Sa Gabi Rin ang Punta
Kawangis ng katahimikan
ang oyaying hinahabi ng mga talaib
ang hikab na hindi natapos
nitong duguang langit.
Hindi bala kundi mga kamay
na sumusuko.
Hindi sigaw kundi panaghoy
ng batang babae.
Sa putik
inukit ko ang pangalan mo.
Huwag mo akong pipigilan.