Sa Elbi

Sa Data,
sasalubungin ka agad ng tipak
ng tricycle driver na ubod ng sipag
sa pagtatawag ng pasahero.[1]

Sa Ruby,
makasasalubong mo
ang matandang lalakeng
hawak-hawak ang tungkod
na hindi naman dumadapo ang dulo
sa lupa.[2]

Sa Banahaw,
maririnig mo
ang alulong ng mga asong
sumasabay sa nakamikroponong pag-awit
ng imam.[3]

At sa Lopez,
kikindatan ka ng magtatakoyaking
kabisado na ang pangalan mo't
ang huling binili mo
sa tindahan sa likod niya.[4]


  1. Data St. ↩︎

  2. Ruby St. ↩︎

  3. Banahaw St. ↩︎

  4. Lopez Ave. ↩︎