“Tungkol sa makata” by Ramón C. Sunico

Citation

Sunico, Ramón C. “Tungkol sa makata.” Sandali: Mga Pili at Bagong Tula, by Rofel G. Brion, Office of Research and Publications Loyola Schools ADMU, 2006, pp. ix–xiii.

Quotes

Collations

Rofel Brion, Benilda Santos, and Ramon Sunico had a small writing group

p. ix–x

Nung panahong iyon, madalas kaming magkita nina Boyet at Beni (hindi pa siya Dr. Santos noon) upang magbasa ng aming mga tula. Madalas, naghahanap lamang kami ng isang classroom na walang laman habang pinaliligiran ng mga alingawngaw at anino, inaayos namin sa isang bilog ang iilang desk at nagpapasahan kami ng mga kopya ng aming mga bagong tula. Ito yung aming munting “pamintasan” kung saan ko unang narinig at nakilala ang mga tula ni Boyet at ni Beni.

Brion, Santos, and Sunico's writing group was against traditional workshops

p. x

Hindi ma-drama itong pamintasan namin. Walang umiiyak. Walang napapahiya. Palibhasa, nalampasan na namin yung edad ng tagihawat sa mukha at puso.

Sa pamintasan namin, walang guro, walang pantas, walang kampeon, walang bida.

Brion, Santos, and Sunico's writing group was primarily concerned with language

p. x

Isa pa: malinaw sa aming tatlo kung bakit kami naroroon. Ibig namin sisirin ang wika; ibig namin magsulat ng magagandang tula. Wala kaming iba pang pakay.

Mga karpintero lamang kami, o dili kaya, mga mason na inuusisa ang tamang pagtimpla ng tubig at semento upang makalikha ng palitadang hindi huhulas o madudurog. Pinagaaralan namin kung paano gamitin ang aming paleta, kung ano ang tamang paghagod sa basang semento. Nakatuon lamang kami sa masinop na pagdurugtong ng tunog; salita, at larawan na siya namang pupukaw sa isip at damdamin ng aming mga mambabasa o tagapakinig.

Brion, Santos, and Sunico's writing group did not aspire to win contests, books, and establish movements

p. x

Hindi namin iniisip ang magtagumpay sa isang paligsahan at makapag-uwi ng medalya at pera. Hindi namin pinapangarap na makabubuo kami ng aklat na siya namang ilalathala ng kung sinong sigang publisher. Wala kaming pabalat na dinidisenyo sa aming guniguni. At tinuturing naming pag-aaksaya ng panahon ang paglunsad ng isa na namang kilusang pampanitikan o ang pagbuo ng estilong makikila ng lahat. Aanhin namin ang mga ito?

By diving deep into language, one could also dive deep into one's self

p. x

At habang sinisisid namin ang wika, sinisisid din namin ang aming pagkatao.

p. x

Sa mga paksa ng aming mga tula naaaninag ang pinagkakaabalahan ng isa’t-isa.

The subjects of Rofel Brion's poems while teaching at Ateneo

p. xi

Kay Boyet naman naririnig ang mga tunog sa buhay ng isang gurong-soltero. Tuwing may pasok, nakatira siya sa kampus bilang isang prefect sa dormitoryo. Kapag walang klase, umuuwi naman siya sa San Pablo. Sa isang dako, isa siyang kaibigang kaladkarin; sa kabilang dako, isa siyang anak na madalas malayo sa kanyang tunay na pamilya.

Rofel Brion tried to combine the Tagalog of San Pablo, Ateneo, QC and Manila

p. xi

Nasasalamin itong buhay-lagari ni Boyet sa kanyang mga obra. Unang-una, madalas niyang sinusubukang timplahin ang Tagalog ng San Pablo sa wrrs-wrrs ng Ateneo at sa wikang-bangketa ng Quezon City at Maynila.

Subjects in Rofel Brion's first book, Baka Sakali

p. xi

Lalung-lalo na sa kanyang unang aklat, naaaninag natin ang mga mukha ng kanyang kabataan sa San Pablo, nasisino ang mga anino ng magulang at kamaganak sa probinsiya ng Laguna. Ngunit, naririnig din natin ang bulung-bulungang namamagitan sa magkakabarkada, ang paggunita sa mga usap-usapan ng magkakaibigang matagal nang hindi nagkikita. At kasaliw nila ang mga tunog ng buhay ng ating modernong daigidig: ang matagtag na pasada ng jeepney, ang tinig ng telebisyong hindi pinanonood pero naririnig.

Rolando Tinio's influence on Rofel Brion

p. xi

Sa mga tula ng Baka Sakali, nababakas rin ang impluwensiya ni Rolando Tinio: ang malinaw na paglatag ng eksena, ang tahimik na pagsasaayos ng mga piling detalye, ang paggamit ng isip at dunong bilang mga kuwadro o andamyo upang lalong mapukaw ang buong pagkatao — hindi lamang ang damdamin — ng mambabasa.

Rofel's voice per Sunico

p. xi–xii

Hindi mabongga ang mga tula ni Boyet. Hindi siya nagtataas ng boses o nagpapaputok ng sunod-sunod na labintador, bagkus ang mga sandali ng pagkamulat na taglay ng mga obra niya ay maihahalintulad sa dahan-dahang pagdating ng umaga, sa unti-unting pagtitingkayad ng haring araw.

p. xii

Sa kanyang mga bagong tula, nandoon pa rin itong malumanay na tinig ng isang taong nagmamatyag sa mga pangyayari at katao ng kanyang buhay.

Rofel's poetry move from communal to solitary

p. xii

Ganumpaman, nagbago ang pinagtutuunan ng kanyang tingin. Nagbago na rin ang kanyang kausap.

p. xii

Mapupuna natin ang kaiklian ng ilan sa mga bagong tula ni Boyet at ang paggamit niya ng napakapayak na porma ng haiku.

p. xii

Meditasyon ang mga bagong tula ni Boyet.

p. xii

mga dasal din itong mga sinulat ni Boyet.

Literature notes

Prompts