Nang Makita Ka

Kapag tiniklop ko ang ulap
baka sakaling lumiit ang langit
at makilala kita
mahana kung saan ka
iniluklok ng mga magasin at librong
binabasa ko noong nagbibinata ako
inilibing di umano ng mga Bagong Ateista
itinago ng mga alagad ni Tenko Nishida sa Ittoen.

Lahat ng ito ay pagbabaka sakali lamang
at hindi ako umaasang matatagpuan kita.
Ang tangi kong hangad
ay masubukang maidibuho man lang
ang iyong mukha
makita ka ng aking mga mata
at patunayang mali sila.
Hindi ako mamamatay sa piling mo.
Hinding-hindi.