“Paglalagalag sa Multong-Modernidad ng Lungsod at Nayon: Tatlong Akda ni Jun Cruz Reyes bilang Paglalaboy-laboy at Pananaliksik” by Ivan Emil A. Labayne
Citation
Labayne, Ivan Emil A. “Paglalagalag sa Multong-Modernidad ng Lungsod at Nayon: Tatlong Akda ni Jun Cruz Reyes bilang Paglalaboy-laboy at Pananaliksik.” Humanities Diliman, vol. 22, no. 1, June 2025, pp. 1–29.
Quotes
- species:
- themes:
Collations
Literature notes
Hindi talaga aakma ang flaneur dahil wala siyang malalakaran sa Pilipinas. Makakapaglakad siya sa Baguio, sa Maynila, o sa mga bagong lungsod na de-sidewalk sa ibang parte ng bansa pero doon na matatapos ang pagbubulaybulay niya. Subukan mong lakarin ang Manila South Road at tignan natin kung makakapagbulaybulay ka pa.
Binasa ko ang pagaaral ni Ivan with one question in mind: Posible ba ang isang walking arts movement sa Pilipinas?
Nakasalalay sa isang walking arts practice ang pagkakaroon ng mga espasyong malalakaran. Ang flaneur, ipinagkaloob sa kaniya ng pagusbong ng industriyalisasyon ang mga kongkretong kalsada at (take note, mahalaga ito) sidewalks. Sa Pilipinas kalsada lang ang dumating. Halos walang sidewalks. Yung kalsada bakubako pa. Sino ang maeenganyong maglakad?
Posible ang isang walking arts practice pero hindi na ito basta lamang pagbubulaybulay tulad ng ginagawa ng flaneur o maski ng mas progressive version nito na nagde-derive. Kailangang lumikha ang isang walking artist ng sarili niyang lalakaran, makikipagnegotiate sa espasyo (sa KAPUWAngan) upang likhain ito, at dahil sa prosesong ito wala siyang choice kundi parating isaaalangalang ang kapuwa, makipagusap, makipagpaalam, mag-baribari apo, tabi-tabi po, tabi apo, hindi na sa mga diwata, diyos, o engkanto kundi sa mga nagmamayari o di nagmamayari mismo sa mga lupa o puwang na kanilang nilalakaran.
Ang palaboy ay naglalakad sa tiratirang espasyo ng di tapos na kapitalismo subalit aktibong tagalikha rin ng mga bagong ruta. Dahil dito, idaragdag ko sa mga sinabi ni Ivan, hindi lang dapat mga sulatin ang dapat umusbong mula sa paglalagalag kundi ibang uri ng mga akda na hindi lamang nakasalalay sa pagiisip ng malalim o pagbubulaybulay, bagay na hindi na madaling gawin sa mga rutang ginagalawan o nililikha ng palaboy.