Hanggat
Sinusubukan kong magsulat ng tula subalit
humahampas rin ang sinturon sa kamay ko
at bawat hiyaw at hikbi ng bata sa kabila ng dingding
ibinabalik ako sa mga taludtod na hindi ko maisulat
nagdurugo ang bolpen pahiwatig
na hindi matatapos ang tulang ito
hangga't