Simangot

Ipinatong niya ang supot ng mga pinamili niya sa bakanteng espasyo ng bangko habang sinusundan ng nanlilisik niyang mga mata ang paparating na magkasamang nakapolo at bag na balat.

"Wag lang akong lapitan ng mga ito. Makikita nila," naibulong niya sa sarili. Nakasimangot ang putik na nagmantsa na sa puting rubber shoes niya. Dumidilim ang langit at nagbabadiya nanamang umulan.