Bonuan (Sa Filipino)

Ingat din ako
kasi baka
nagtatampo ka na pala
dahil nahihiya akong
humawak sa kamay mo
kapag nagalalakad tayo
at pinagtitinginan ng mga tao.

Ang hilig ko
ay ang kumapit sa mga pangako
ng bawat ngiti mo

habang nilalakbay ng mga mata mo
ang tagpuan ng langit at dagat
nakasandal sa likod ko
sa tabi ng buhanging
pinaginto ng araw
na namamaalam.