Paso de Pideg

Isang buwan pagkatapos nito
iiwan mo ako.

Ngayon
ang ulo mo sa balikat ko
ang kurtinang bahagya
ang pagsilip sa bintana
ang mga alon sa malayo
ang kanang kamay ko
sa ibabaw
ng buhol mong mga daliri